Monday, December 29, 2008

Talon

I'm home for the holidays. Earlier today, I was digging through my old stuff when I chanced on an old and tattered notebook that contains most of the Tagalog poems I wrote when I was stilll in high schoool.

You see, I used to write a lot in Tagalog. I was part of the editorial board of our school's Tagalog paper. There was a time that I also ventured into writing Tagalog poems.

Talon (Falls)

Malakas ang agos at tila nakatatangay,

ang ragasa ng iyong tubig -

sa batuhan at sa mga mumunting daluyan.

Ang misteryo ng iyong pinagmulan,

sa sinag ng araw, sa ulap, o sa malamig na ulan.

Wari ko'y mula sa tuktok ng langit

at patuloy ang pagbagsak sa lupang mainit.

Hindi na mabilang ang iyong nabighani -

naakit, nawili.

Sa iyong mapanganib at malalim na simula,

ako ay umibig.

Ang iyong maingay na pagdaloy -

at waring nagkukubli, nagtatago -

ng lihim, sikreto, ng susi sa iyong misteryo.

Sa patuloy na paglagaslas ng tubig -

sa kasabay ng malamig na pag-ihip -

Aking buong-buong ibibigay -

Ang buhay -

Sa iyo, at sa talon na iyong pinagmulan.